Dagdag-puhunan para sa Irrigators Association mula sa DA

KAMAKAILAN lang ay ipinagkaloob na ng Department of Agriculture ang dagdag-puhunan na nagkakahalaga ng mahigit tatlong-daang libong piso sa Amyon Irrigators’ Association sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.

Ang nasabing dagdag-puhunan ay bahagi ng programang Sikat Saka sa pagitan ng DA at ng Land Bank of the Philippines o LBP.

Ang Sikat Saka, ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia J. Datukan ay isang agricultural credit assistance program ng DA katuwang ang Land Bank bilang tulong sa mga maliliit na magsasaka upang mapataas pa ang produksiyon ng palay hindi lamang dito rehiyon kundi sa buong bansa.

Dito sa Rehiyon Dose, North Cotabato ang napiling maging pilot area kasama ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Iloilo at Isabela bilang mga nagungunang probinsiya sa produksiyon ng palay.

Sa nasabing programa, makatatanggap ng dagdag-puhunan na P42,000 sa bawat ektarya bawat cropping para sa hybrid rice at P 37,000 sa inbred rice production.

Samantala, mayroon pang apat na mga Irrigations’ Association ang naghihintay na mailabas ang kanilang pondo.

Ayon sa pamunuan ng LandBank, kasalukuyan pang inaayos ang mga dokumento ng mga aplikante.

Maliban dito, mayroon pang anim na irrigators’ association na pumasa sa ginawang ebalwasyon at kasalukuyang kinokompleto ang mga kinakailangang papeles.

Ngayong buwan, inaasahang mahigit anim na milyong piso ang ilalabas na pondo para sa programa.

Maliban sa DA, katuwang din sa programa ang National Food Authority, National Irrigation Administration, Agricultural Training Institute at Philippine Crop Insurance Corporation.

Sa mga gustong sumali at para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ito makipag-ugnayan lamang sa inyong irrigators’ associations o sa pinakamalapit na branch ng LandBank at tanggapan ng NFA at NIA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply