Dahil sa ‘pulutan’ kelot tinarakan, patay

PATAY ang isang 47 anyos na lalaki na miyembro ng Commando Gang nang pagsasaksakin ng kanyang nakaalitan dahil lamang sa pagdampot ng “pulutan” ng suspek kagabi sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Medical Institution Tondo Hospital ang biktima na si Darry Asis, tricycle driver, ng 1094-E Solis  St., Tondo, Maynila.

Tumakas naman matapos ang insidente ang  suspek na nakilalang si Teodoro Pasague, 46, may-asawa ng 1151 Torres Bugallon St., ng nasabi ding lugar.

Sa report ni SPO2 Ronald Gallo, dakong alas 8:00 kagabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Solis St kanto ng Jose Abad Santos  Avenue,Tondo.

Nauna rito, nakikipag-inuman umano ang biktima kay Alfred Llantino habang ang suspek ay nasa di kalayuan  naman ng pinag-iinuman ng dalawa.

Sa pahayag ni Llantino, nilapitan ng suspek ang kanilamg lamesa at walang paalam na dumampot ng kanilang “pulutan.”

Ikinagalit naman ito ng biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo nila ng suspek.

Makalipas ang ilang minuto ay umalis ang suspek ngunit bumalik na may dala nang patalim at walang sabi-sabing sinaksak si Asis sa kanyang tagiliran.

Tinangka namang umawat ni Llantino subalit maging siya ay sinaksak din sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply