Dalaga binulyawan ng ama, nag-suicide

NAGBIGTI ang isang dalaga nang bulyawan ng sariling ama matapos na matisod nito ang kable ng telebisyon na nagresulta para mabunot ito sa koneksyon sa Iloilo City, kagabi (Setyembre 11).

Kaninang alas-2:00 lamang ng madaling araw nang madiskubre ang nakabiting katawan ng biktimang si Roxanne Lapascua, 20-anyos ng Barangay South San Jose, Molo, Iloilo City sa loob ng kanyang kuwarto.

Ayon kay Guillermo Lapascua, bago ang pagkakatuklas sa bangkay ay pinagalitan niya ang kanyang anak dahil nasagi nito ang wire ng kanilang telebisyon.

Simula noon ay hindi na lumabas ng kanyang silid ang biktima hanggang sa madiskubre ng ate ng nito ang pagbigti ng dalaga gamit ang lubid na itinali sa kisame at ipinalupot sa leeg.

Isinugod pa rin ang biktima sa ospital pero sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga ay hindi na ito naisalba pa.

Ayon pa tatay ng biktima, hindi niya sukat akalain na ang pagbulyaw niya ang magtutulak sa kanyang anak para ito ay magpakamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply