Dalaga nakipaghiwalay, binoga ng nobyo, todas

KAYSA pakinabangan pa ng iba, isang dalaga ang binaril ng kanyang nobyo na hiniwalayan ng una kapalit ng ibang lalaki kaninang madaling araw sa Isabela.

Nagtamo ng isang tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa dibdib at namatay noon din ang biktimang si Cherry Anne Delgado, 19-anyos, 4th year college student ng Isabela State University at residente ng Binuang, San Pablo.

Hinahanting na ngayon ng pulisya para pananagutin sa krimen ang suspect na si Raffy Bali, 23-anyos, residente rin sa nasabing barangay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 12:20 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng biktima.

Bago ito, pumunta ang suspect sa bahay ng biktima para makipagbalikan sa dalaga pero kahit anong pilit ay tinaggihan at sinabing mayroon na siyang ibang napupusuan.

Nagdilim ang paningin, inilabas ng suspect ang kanyang baril at pinaputukan ng isang beses ang kanyang dating nobya at saka tumakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply