Dalagita nabundol ng ‘tsikot’ muntik matepok sa Surigao del Sur

NASA kritikal na kondisyon pa ngayon ang isang 17 anyos na dalagita na aksidenteng mabundol ng isang kotse sa Surigao Del Sur kahapon ng umaga.

Ayon kay PNP CARAGA Spokesman Police Superintendent Martin Gamba, ang insidente ay naganap dakong alas 5:15 ng madaling araw kahapon.

Nabatid sa ulat na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng Honda City na may plate nos ZSJ 191 na si Alex Bug-os residente ng Brgy. Telaje, Tandag City, Surigao del Sur habang bumabyahe sa kahabaan ng highway ng Brgy Sto Nino, San Agustin, Surigao Del Sur.

Nagkataon namang tatawid ang biktimang si Fe Apog, residente ng Brgy. Sto. Niño, San Agustin, Surigao del Sur kaya nabundol ito ng sasakyan at ngayoy nanatili sa Marihatag District Hospital, Marihatag, Surigao del Sur dahil sa mga sugat at pinsala sa katawan.

Agad namang sumuko sa PNP ang driver ng kotse na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply