Dalagita niluray ng stepdad

KULONG ang isang stepfather matapos maaktuhan ng kinakasama ang anak na dalagita sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Lolito Ocampo, 31 ng Acacia St., Amparo ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw, natutulog ang biktimang edad 14 sa loob ng kanyang kuwarto nang pasukin at patungan ng suspek.

Nagising ang dalagita at pumalag subalit tinakot na papatayin ng suspek kaya walang nagawa ang biktima hanggang sa mahalay siya ng amain.

Nasaksihan naman ng ina ng biktima ang ginagawa ng kinakasama na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga tanod at ipinadakip ang suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply