Daniel at Philip tumitindi ang banatan?

AYON sa aming source, mukhang tumitindi o patindi nang patindi ang palitan ng mga maaanghang na salita sa pagitan ng dalawang nagbabangayang aktor dahil sa pulitika. Dahil gustong pasukin ni Philip Salvador ang bailiwick ni Vice Governor Daniel Fernando sa Bulacan, tipong nagkakainitan raw ang kampo ng dalawa.

Matatandaang noong nagdaang panahon ay hindi naman maipagkakaila na ang dalawa ay naging magkaibigan talaga at minsan nga ay nagkasama pa sila sa isang pelikula. Pareho naman silang mahuhusay na artista pero ang tanong ay kung bakit gustong pasukin o subukan ni Philip ang pulitika?

Sabi nga ng marami sa premyadong aktor, ano raw ba ang akala n’ya sa pagpasok sa pulitika na para bang showbiz lang sa kanya na kapag laos na ay maaari pa n’yang balikan ang naudlot na career? Aba Ipe! maghunos dili ka at ‘wag mong paglaruan ang pagpasok mo sa ‘di mo alam kung ano ang mga masalimoot na pakikipagtunggali sa larangan na nais mong subukan o marating.

Si Daniel, marami na rin namang napatunayan sa kanyang lalawigan o sa kanyang lugar. Nandiyan na yung isang taon o maraming panahon s’yang umayaw sa showbiz dahil sa gusto n’yang patunayan na pwede n’yang alagaan ang kapakanan ng kanyang mga kababayan. At ito ay hindi na maipagtatanong pa dahil malaki na ang naging pundasyon ni Fernando sa lalawigan ng Bulacan.

Ikaw ka Ipe, ano ang ipakikita mo sa lalawigan na gustong pasukan? On top of that, marami pa rin ang nagsasabi na hindi raw lihitimong Bulakenyo si Phillip.

Kung talagang si Ipe ay tunay na produkto ng Bulacan, bakit iba ang kanyang kutis?

Sa totoo, balat ng isang marangyang mamamayan na hindi masasabing isang taga lalawigan. ‘Yung bang sasabihin natin na isa s’yang dayuhan dahil sa kanyang mistisuhing aura unlike Daniel na makikita mo sa aura nito ang pagpapatunay na Pinoy dahil sa kanyang kulay pa lang ay talagang masasabi ng isa s’yang anak pawis na dapat bigyan ng kaukulang papuri.

Tigilan na ang batuhan at mga maaanghang na salita laban sa isa’t isa. Matatalino na ang mga Bulakenyo at alam nila kung sino kina Daniel at Ipe ang s’yang may karapatang maging isang tunay na tagapaglingkod ng bayan ng Bulacan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply