Daniel Fernando at Jake Vargas sa Bulacan Singkaban 2012

SA PANGUNGUNA nina Gov. Willy Alvarado, Cong. Marivic Alvarado at Vice Gov. Daniel Fernando ay ipinagdiwang ang taunang Singkaban Festival sa Bulacan.

Magsisimula ito sa alay lakad na tampok ni Jake Vargas na anak ng Pulilan.

Susundan ito ng Press Presentation ng Reyna ng Bulacan sa Robinsons Pulilan sa pamamahala ni Sir Eliseo dela Cruz ng Tourism. Meron ding Dangal ng Lipi Award. Si Vice Gov. Daniel Fernando ang anak ng Guiguinto. Ang bagets actor na si Jake Vargas ay Anak naman ng Pulilan.

Anyway, basta mga affair sa Bulacan ay okay kay Jake dahil narito sa Inaon, Pulilan, Bulacan ang kanyang Lola Tacing.

Tungkol pa rin sa Singkaban 2012, sinabi nina Gov. Willy at Vice Gov. Daniel na simple lamang ang pagdiriwang sa taong ito pero tiyak na Masaya. Taon-taon ay inaabangan ng mga Bulakenyo ang ang aktibidad na ito.

May komento naman ang batikang actor na si Vice Gov. Daniel sa bagets actor. Aniya, malayo ang mararating nito sa showbiz. Nagpasalamat din ang actor/politician sa Kapuso actor at kapwa Bulakenyo sa pagsuporta nito sa Singkaban 2012 at sa iba pang activity sa Bulacan. Mabuhay ang Singkaban sa Bulacan 2012!

***

BB Gandanghari maraming fans sa Bulacan

ABALA ang maganda at mabait na si BB Gandanghari sa kanyang career.

Gayunman, maraming invitations sa kanya para mag-personal appearance sa Bulacan. Marami siyang fans sa probinsiyang ito lalo na sa Pulilan.

Ayon kay Ms. Zarina Lopez, president ng BB Gandanghari fans club, marami ang nag-aabang kung dadalo si BB Gandanghari sa kasalang Zoren Legaspi at Carmina V. Ayon sa ilang miyembro nila, hindi pa pala nagkikitang muli sina BB at Carmina. Kaya abangan ang susunod na kabanata.

***

Mayor Christian at Mayor Ferdie kaibigan ng mga artista

ANG mga guwapong mayor na sina Christian Natividad ng Malolos at Ferdie Estrella ng Baliwag ay kaibigan ng mga artista. Kaibigan ni Mayor Christian sina Philip Salvador at Raymond Bagatsing, samantalang friend naman ni Mayor Ferdie si Sen. Bong Revilla na dumalo noon sa birthday niya.

***

Fans club ni Ate Guy may induction

SANG-AYON kay Mama Carmen Flores, mayroong fans induction ang icon ng Showbiz na si Ms. Nora Aunor. At labis din ang katuwaan nila sa movie na Thy Womb na binigyan ng standing ovation sa Venice International Film Fest.

Congrats sa ating Superstar!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply