Daniel Fernando nagtampo lang at hindi galit kay Kuya Ipe

DINUMOG ng national at local media si Vice Gov. Daniel Fernando last week para kapanayamin tungkol sa pagpasok sa pulitika ni Kuya Ipe sa Bulacan.

Ipinaliwanag ng actor-politician na nagtampo lamang siya rito dahil hindi siya sinabihan na gusto pala nitong maglingkod sa Bulacan.

Kung sinabihan lang daw sila ni Gov. Alvarado, tutu lungan pa nila si Kuya Ipe kung talagang gusto nitong maglingkod sa kanilang balwarte.

Wala raw siyang personal na galit kay Kuya Ipe dahil kaibigan niya ito at kasamahan sa showbiz. Pareho raw sila ng mentor sa showbiz at parehong produkto ni Director Lino Brocka.

Si Kuya Ipe, bida sa Ang Mananayaw, at si Vice Gov. Daniel naman sa Macho Dancer at naging Best Actor pa nga siya sa Urian Award sa movie na ito.

Samantala, nagpahayag naman ang Forever Loyalist of Daniel Fernando na forever silang susuporta sa idolo na nagpamalas nang pagmamahal at mahusay na paglilingkod sa Bulacan.

Sinabi pa nilang nakasisiguro raw silng panalo na namang muli si Vice Gov. Daniel sa next election. (Dapat lang! – Ed)

***

Paulo Avelino, patataubin raw si Coco Martin

PINABULAANAN ng mga fans ni Paulo Avelino na sa kampo nila nanggagaling ang isyung patataubin raw nito si Coco Martin. Nagugulat na lamang daw sila sa observations na ito ng media at critics.

Marami raw silang plano para sa idolo pero mas gugustuhin nilang sumikat ito on his own merits at di ganyang parang lumalabas na nakiki- ride-on pa sa kasikatan sa ngayon ng Walang Hanggan lead actor na si Coco.

***

BB Gandanghari, kahawig daw ni Carmina V.

PARA naman sa mga fans ni BB Gandanghari, sa isyung nakahahawig raw ito sa ngayon ni Carmina Villaroel, hindi naman daw sinasadya nitong makahawig si Carmina.

Well, matagal na itong observations ng lahat pero ang totoo niyan, si Mommy Eva Carino ang kahawig ni Rustom.

Pakatitigan lang ang kanyang mga letrato lately lalo na’t super svelte na ito at super obvious na ito ang nagmana sa ganda ng kanilang ina.

‘Yun nga lang, mukhang masyado namang pumayat si BB. to the point na parang anorexic na ang kanyang dating.

Sana’y magdagdag naman sila ng ilang becoming poundage para maging lalong presentable ang kanyang hitsura.

***

Tina at Derick Monasterio, darling of the press noon at ngayon

DARLING of the Press ang mag-inang Tina at Derick Monasterio.

Noong panahon ni Tina way back during the mid-70’s, talagang Darling of the Press ang beauty niya lalo na’t mabait rin sa press si Mommy Lydia, ang kanyang beloved mom.
Honestly, swarming with press people pala-palagi ang bahay nila sa Cubao during that time. Totoo talaga ang kasabihang like mother, like son.

Hayan at kuhang-kuha rin ni Derrick, hindi lang ang finely chiseled beauty ng kanyang ina, kundi lalo’t higit ang ganda ng PR nito.

Ride on, Derrick boy, nakasisiguro kaming mararating, kundi man mahihigitan mo pa, ang achievements ng iyong beloved mom.

Sa true!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply