Dati negosyante: Aktres, politiko ang bagong kaulayaw

MAY panibago palang away na nangyayari ngayon sa pagitan ng mag-asawang aktor at aktres dahil sa politikong dating aktor. Nung kasagsagan daw nang pagbaha sa Maynila at mga karatig probinsya ay nag-disappear ang mataba-tabang aktres na ito at nung hanapin ng aktor ay nandoon pala sa bandang North kasama ang nasabing politician. Namimigay daw ang dalawa ng relief goods.

Okey naman sana ang ginawa ng aktres. Ang problema, hindi ito nagpaalam sa kanyang mister. At nang tawagan daw ng huli si misis ay hindi nito sinagot, bagkus, ‘yung dyulalay ang tumanggap nang tawag ng aktor. Ang tanong, bakit kailangan itago ng hitad ang lakad niyang ito sa kanyang asawa? Eh, kilala pa namang matulis sa babae ang sinamahan niyang politiko.

Dati nagkaroon na nang matinding pag-aaway ang aktor at aktres dahil sa isang negosyante na madalas naman daw samahan ng lekat. At ‘yung businessman na ‘yon ay bistado rin ng lahat na naglalaway parati sa mga artistahing tsiks. Sus ginoo!

***

Manay Mel at Ipe pareho nang kapalaran

PAREHONG may interes na tumakbo sa Bulacan sina Philip Salvador at Imelda Papin. Ngunit itong si Ipe ay natimbog sa kanyang application for transfer of registration mula Wack-Wack, Greenhills papuntang Pandi, Bulacan, ang probinsiya na tatakbuhan sana niya bilang vice governor kalaban si incumbent Vice Governor Daniel Fernando. Samantalang si Imelda naman ay ganito rin daw ang problema.

Ang alam naming kinatitirikan ng bahay ni Manay Mel ay sa North Fairview at meron pa sa ibang lugar pero sa San Jose, Del Monte, Bulacan ay gusali ang nakatayo niya rito na hindi naman niya tinitirhan.

Well, tingnan natin kung may solusyon pa silang magagawa sa major problem nilang ito.

***

Ang tunay na kuwento ni Pepito Manaloto malalaman na

NGAYONG September 16, masasaksihan muli ng mga manonood ang kinagigiliwang pamilya sa telebisyon sa muling pag-ere ng Pepito Manaloto, Linggo ng gabi pagkatapos ng Imbestigador. Ang Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento ay ibang iba sa naunang season. Ito ay isang stand alone show na sinusundan ang ordinaryong buhay ng isang simple at ordinaryong tao na nabiyayaan na isang extraordinaryong suwerte.

Ang well-loved heart-warming original family sitcom na ito ay pinagbibidahan ng Asian TV Best Comedy Actor recipient na si Michael V. bilang Pepito Manaloto. Kasama rin sina Manilyn Reynes bilang Elsa Manaloto, Angel Satsumi bilang Clarissa Manaloto at Jake Vargas bilang Chito Manaloto.

Kabilang sa all-star cast ay sina John Feir bilang Patrick, Ronnie Henares bilang Tommy, Mosang bilang Baby, Janna Dominguez bilang Maria, at Arthur Solinap bilang Robert. At ang mga bagong karakter na makikigulo sa buhay ng pamilya Manaloto ay sina Jessa Zaragoza bilang Deedee at Nova Villa bilang Mimi.

Ang “rags to riches” na kuwento ni Pepito Manaloto at ng kaniyang pamilya ay ginawang TV show ng isang TV network, subalit hindi nila ito pinalabas nang makita ng pamilya na hindi ito makatotohanan. Sa halip ay naisip nilang ipakita ang tunay na nangyayari sa bahay ng mga Manaloto sa pamamagitan nang pag-film sa kanilang buhay ng isang camera crew nang buong araw at buong linggo.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.    

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply