Dating sexy actor, tinubuan ng mga butlig sa katawan

PINANGANGAMBAHANG meron nang sakit na nakahahawa ang dating sexy actor na na-involve sa isang kontrobersiyal na singer/actress na beauty pageant ang niraraket ngayon. Tumaba na ang julakis na ito, lumaki ang tiyan, tinubuan nang sandamakmak na pimples sa mukha at ang matindi, merong mga butlig sa katawan at hindi malaman kung anong klaseng skin disease ito.

Duda ng kausap namin, malamang nakuha raw ito ng dating hubadero sa katsang telon sa walang habas na pamamakla at pangbabae nito. Pinagsasabay-sabay daw ng damuho ang pagchurva sa mga kalahati ni Adan at Eba.

Kungbaga, walang pakundangan ang pakikipag-sex nito kung kani-kanino.

Dahil wala na sa ayos ang porma ng kanyang wankata at okray na rin ang kanyang facelak, pahirapan na kung bayaran siya ng limang-libo ng isang bading na magsi-sing sa kanya. At kapag minalas-malas pa at nakita ng beki ang mga butligers niya sa kanyang body, kahit singkong-duling wala siyang matatanggap.

Ang dating sexy actor na ito ay may kapangalang gay stand-up comedian na may namesung na rin. Ang kanyang ‘notes’ ay inihahalintulad sa isang talong dahil sa kulay at laki nito. ‘Yun na!

***

TV host parang paninda sa palengke kung tawaran ang lalaki

PANAY ang reklamo ng baklitang host na kesyo wala na siyang datung dahil wala na siyang trabaho sa network na pinagtatrabahuhan niya at meron pa siyang hinuhulugang bahay pero panay naman ang dampot nito ng lalaki sa kahabaan ng Espana Avenue. Hatinggabi raw kung pumunta sa nasabing area ang TV host na ‘to sakay ng kanyang van.

Sabi ng source, masyadong barat ang badingding na itetch at hindi pa sweet makipag-usap. Parang nasa palengke lang daw ito kung makipagtawaran sa julakis na gusto niyang churvahin. True ba ini? Hehehe!

***

Mon Tulfo sabik na sa Mistress

PINANANABIKAN nang mapanood ng ilang mga sikat na personalidad sa Pilipinas ang pelikulang The Mistress nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na palabas na sa September 12 sa mga sinehan sa buong bansa.

Realistic kung ituring ng beteranong brodkaster na si Mon Tulfo ang pinakabagong obra maestra ni Direk Olivia Lamasan. Aniya, “Ang kwento ‘The Mistress’ ay talagang makatotohanan at nangyayari sa society natin.
Kaya madami talagang tatamaan dito at mahahanap ang mga sarili nila.”

Na pukaw naman ang interes ni Aurora Representative Sonny Angara ng maiinit na patikim na eksena sa pagitan nina John Lloyd at Bea.

“Very interesting ‘yung nag-aaway sila. Nung ang assumption ni John Lloyd ay sinasamahan ni Bea si Ronaldo dahil sa pera. Pero sinabi ni Bea na mahal niya,” pahayag ni Rep. Angara. “Sa palagay ko magiging interesting ‘yun sa mga manonood dahil maiintindihan natin kung bakit ba nangyayari ‘yun.”

Tulad ni Cong. Angara, curious rin ang beterang singer-actress na si Pilita Corrales sa kahihinatnan ng kuwento ng four-sided love story na movie na ‘to.

Pahayag niya, “I will definitely watch this kasi napaisip talaga ako sa kwento. Ano kayang mangyayari? Kanino mag-e-end up si Bea? It’s a very difficult situation having to love two different men in different situations.”

Kapwa napahanga rin ng mapangahas na konsepto ng “The Mistress” ang highly-acclaimed movie at TV actors na sina Gretchen Barretto at Albert Martinez.

“It’s a very interesting subject matter because there are four characters involved, four individual characters na lahat may mystery. Lahat sila may kanya-kanyang pains,” ani Albert.

“For me, ‘The Mistress’ is a masterpiece. Every scene and every dialogue is breathtaking,” komento ni Gretchen. “It happens everywhere, it’s so real. Gustong-gusto ko ‘yung linyang ‘Walang babaeng pinangarap maging kabit.”

Bukod kina Bea at John Lloyd, bahagi rin ng pelikula ang dalawa sa pinakamahuhusay na bituin ng Philippine cinema na sina Hilda Koronel at Ronaldo Valdez. Kukumpleto sa cast sina Carmi Martin, Anita Linda, Minnie Aguilar, at Clarence Delgado.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply