Datos ng mga namamatay sa paninigarilyo, idetalye sa publiko

HINAMON ng non-governmental organization ang doctor na idetalye sa publiko ang ulat ukol sa bilang ng namamatay sa Pilipinas sanhi ng paninigarilyo dahil hindi umano kapani-paniwala ang datus na lumabas sa pagdinig ng sin tax bill.

Sinabi ni Elvis Campos ng  Mamamayan Kilos: Alab ng Maralita na hindi nila kukwestyunin ang mga naunang pag-aaral na ang paninigarilyo o sigarilyo ay nakapagdudulot ng iba’t ibang sakit sa puso, baga at kanser.

“Unless supported by verifiable data, the figures being given by the Department of Health, the Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines (FCAP) and doctors’ groups are either overly bloated or maliciously distorted to influence Congress into approving the sin tax bill,” ani Campos.

Dahil dito, inudyukan ni Campos ang mga senador na hingin sa mga naglabas ng ulat kabilang ang Department of Health (DOH) na idetalye ito at tukuyin ang bawat rehiyon ng nakababahala umanong “smoking-related deaths.”

Ang mga Health at anti-smoking advocates gaya ng FCAP at ang Health Justice Philippines ay naunang nagsabi na 10 Pinoy ang nasasawi kada oras o 240 bawat isang araw at halos 90,000  sa loob ng isang taon sanhi ng mga sakit dulot ng paninigarilyo.

Ang gobyerno din umano ay nalulugi ng P500 bilyon taun-taon dahil sa healthcare costs at productivity losses.

Banggit pa ng nasabing mga NGOs na ang 10 Pinoy ay nasasawi kada oras dahil sa cancer, stroke, lung at heart diseases gayundin halos ang mga nasasawi sa mga tinatawag na passive smokers.

Ngunit tinukoy ni Campos ang pinakahuling datus mula sa WikiPilipinas, na hinango sa iba’t ibang materyales kabilang ang World Health Organization (WHO), na nagsasabing ang pangunahing 10 dahilan ng kamatayan sa Pilipinas ay ang sakit sa puso, stroke, kanser, chronic obstructive pulmonary disease, sakuna sa kalsada, diabetes, dengue fever, maternal deaths, kidney failure, at perinatal conditions.

“The DOH, health advocates and doctors need to answer how many deaths are caused by these diseases per year so that Congress will know if the supposed  90,000 smoking-related deaths annually are realistic enough if viewed against the total deaths due to these diseases,” giit ni Campos.

Banggit pa ni Campos na sa mga nagdaang pag-aaral na ang karaniwang dahilan ng sakit sa puso na minsan ay nauuwi sa heart attack ay dahil ang mga Pinoy ay mahilig sa maalat, matatamis at matatabang pagkain.

“How many deaths are caused by this over-indulgence on salty, sweet, or fatty foods and how many deaths due to smoking? Isn’t it also logical to impose high taxes on these foods to prevent heart disease-related deaths if we go by the argument of health advocates to impose a high tax on tobacco to discourage smoking?” ayon kay Campos.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply