Day care teachers, sumugod sa Kongreso

DALAWANG linggo bago ang recess ng Kongreso, daan-daang mga guro ng mga day care ang nagmartsa kahapon sa Kamara de Representante.

Hiniling ng mga day care worker sa ilalim ng Akap Bata Party at Metro Manila Federations of Day Care Workers sa mga kongresista na kagyat nang ipasa ang House Bill 5852 o ang Magna Carta for Day Care Workers Bill.

Ayon sa Akap Bata, kailangang bigyang pansin din ng mga kongresista ang isang batas na kakandili sa karapatan ng mga nangangalaga sa milyon-milyong bata.

Dagdag ng grupo, marami sa mga day care worker ay tumatanggap lamang ng limang daang piso kada buwan samantalang mayroon namang walang tinatanggap na sweldo.

Layon ng Magna Carta na isinumite ni Bayan Muna congressman Teddy Casino na masiguro ang sweldo, benepisyo at kapakanan ng mga day care worker sa buong bansa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply