Dayuhan napagtripan ng 2 senglot, todas sa saksak

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang mangingisdang Indonesian national nang pagsasaksakin ng dalawang lasing sa General Santos City kaninang madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Danny Cawa, 20- anyos, residente ng 2nd Road, Purok Christian, Calumpang, GenSan.

Hinahanting na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen ang mga suspect na sina Dodong Armada, alyas Pepito at alyas Tisoy.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 12:25 ng madaling araw sa Purok Christian Calumpang.

Bago ito, hinarang ng mga suspect nang mapadaan ang biktima sa kanilang pag-iinuman pero imbes alukin na tumagay ay bigla itong pinagsusuntok.

Hindi pa nakontento, sinaksak pa nina Armada at Alyas Tisoy ang biktima at saka iniwan nang bumulagta na ito sa kalsada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply