DBM: P4.6B inilaan sa 4 airport projects

INATASAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang paglalabas ng kabuuang P4.6 billion para suportahan ang apat na priority airport project sa ilalim ng public-private partnership program ng administrasyon.

Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, ang pondo ay ibinigay sa Department of Transportation and Communications (DoTC).

Ani Abad, malaking tulong ito para mapagbuti ang mga paliparan sa bansa at upang lalong maka-akit ng mga turista.

“The release will support the improvement or creation of more gateways into the Philippines, given the administration’s campaign to cement our position as a prime tourist and investment hub,” ani Abad.

Sa kabuuang pondo, P1.64 billion ang gagamitin sa rehabilitasyon ng Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport.(NAIA).

Gagastusan ang pagsasaayos sa mechanical, electrical, plumbing at fire protection systems ng terminal.

Nasa P2 billion naman ang inilaan sa New Legazpi Airport Development Project sa Albay.

Dahil sa lumalaking traffic demand, naglaan ang gobyerno ng P800 million para sa pagtatayo ng terminal building sa Tacloban Airport.

Kabuuang P160 million naman ang inilaan para sa Central Mindanao Airport na magsisilbing access point sa Central Mindanao sa
pamamagitan ng North Cotabato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply