Dela Peña, 4 pang parak sibak sa puwesto

TINULUYAN nang sinibak sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Gen. Leonardo Espina si SPO4 Jose Dela Peña ng Quezon City Police District (QCPD) kasama ang ilang mga pulis.

Sinibak sa puwesto si dela Peña kasama pa ang mga kasama nito na sina  PO3 Rodolfo De Jesus, PO3 Carlos Bromeo, PO2 Rodel De Jose at PO2 Jonel Rosario kaugnay sa mga kasong grave misconduct at serious irregularity in the performance of duty.

Ito ay matapos ireklamo ni  retired General Celso Castro nang kotongan ang anak nito noong Nobyembre 2009 sa Dama de Noche Street, Barangay Mariana, New Manila, Quezon City.

Nabatid pa na walang matatanggap na anumang benepisyo ang mga nasibak na pulis at forfeited na ang retirement benefits at pension nila.

Hindi na rin makababalik pa sa serbisyo ang mga nasibak na pulis.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply