Delegasyon ni PNoy tutulak bukas patungong Russia

TUTULAK na bukas, Setyembre 8, sa Russia ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasama ang 67-man delegation para dumalo sa APEC Summit.

Batay sa schedule, sakay ng PR001 flight ng Philippine Airlines (PAL),  ang Pangulo bandang ala-1:00 ng hapon kasama ang delegado

Kasama sa mga del;egasyon sina Secretary Albert del Rosario, Secretary Manuel Roxas, Secretary Cesar Purisima, Secretary Gregory Domingo, Secretary Rene Almendras, Presidential Spokesman Edwin Lacierda;
Ambassador to Russia Honorable Alejandro Mosquera; Chief of the Presidential Protocol Honorable Miguel Perez-Rubio at Undersecretary for International Economic Relations, APEC Secretariat, Undersecretary
Laura del Rosario.

Ayon kay Lacierda, hanggang ngayon ay hindi pa matiyak kung tuloy na ang bilateral meeting ng Pangulong Noynoy Aquino kay Chinese Pres. Hu Jintao sa sidelights ng summit.

Samantala, ang pangulo ay eksaktong 48 oras lamang sa Russia at babalik din sa araw ng Linggo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply