DENR binuksan ang P2.2-M cloning propagation facility sa Mt. Arayat

SAN FERNANDO, Pampanga Set. 5 (PIA) — Binuksan kamakailan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang P2.2 milyon clonal propagation facility nito sa Mt. Arayat National Park.

Ayon kay DENR Regional Executive Director Maximo Dichoso, ang nursery ay inaasahang makapaglilikha ng hindi bababa sa 15,000 genetically superior forest tree seedlings kada taon na siya namang susuporta sa seedling requirements ng National Greening Program (NGP) sa Gitnang Luzon.

Ang pasilidad ay nakatayo sa isang 1.2 ektaryang lupain at gumagamit ng orthotropic stem cutting technology kung saan pinapabuti ang paglaki ng mga punla sa pamamagitan ng paggamit ng rooting hormones mula sa genetically superior parent tree sa isang controlled environment.

Dagdag pa ni Dichoso na ang mga genetically superior na punla ay pest at disease-resistant at mas may malaking tsansa aniya ng lumaki at mabuhay.

Ang NGP ay nalikha sa bisa ng Executive Order No.26 ni Pangulong Benigno Aquino III na may layuning tugunan ang poverty reduction, food security, biodiversity conservation at climate change mitigation and adaptation.

Target ng programa ng makapagtanim ng may 1.5 bilyong puno sa may 1.5 milyong ektaryang lupaing pagmamay-ari ng pamahalaan tulad ng mga forestlands, mangrove and protected areas, ancestral domains, civil and military reservations at urban areas sa loob ng anim na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply