Deployment ban ng DH sa Saudi inalis na

INALIS na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ban para sa mga household helpers sa Kingdom of Saudi Arabia.

Sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na simula sa Oktubre 1 ay maari na muling magproseso ng travel documents ang mga bago o first timer na magtatrabaho sa naturang bansa.

Ipinaliwanag ni Baldoz na nagpasya silang tanggalin ang deployment ban matapos magkasundo ang pamahalaan ng dalawang bansa kaugnay sa pagbeberipika sa contact numbers ng employers at pati na rin ang pagkakaroon ng standard employment contract.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply