Developers, buyers ng bahay at lupa gumamit ng geo maps – Paje

PINAALALAHANAN ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon J. P. Paje ang mga real estate developer at prospective buyers ng bahay at lupa na ugaliing tumingin sa mga geohazard map na inilalabas ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) upang maiwasan ang panganib na magdudulot ng pagkawala ng kani-kanilang ari-arian at kahit na kanilang mga buhay.

“We strongly advise prospective buyers of land properties for housing or other infrastructure projects to refer to the geohazard maps to make sure that the lots they are intending to buy are not situated in landslide- and flood-prone areas,” pahayag ni Paje.

Maaari umanong makita ang naturang mga mapa sa websites ng mga ahensyang magkakatuwang sa pagsasapubliko nito tulad ng DENR (www.denr.gov.ph), MGB (www.mgb.gov.ph), Philippine Information Agency (www.pia.gov.ph) at ng Environmental Science for Social Change ((www.essc.org.ph).

Ang mga mapa na may scale na 1:50,000 ay maaari ring mai-download. Maaari ring magtungo na lamang ang nais makakuha nito sa kani-kanilang lokal na pamahalaan sapagkat binigyan din naman ng kopya ng geohazard maps ang mga local opisyal hanggang sa antas ng barangay.

Magagamit ang geohazard maps bilang gabay sa development planning ng isang lugar at makatutulong din ito sa publiko na makagawa ng tamang desisyon sa pagpili ng kanilang matitirhan.

Nanawagan naman si Paje sa mga developer na masusing pag-aralan ang mga lugar kung saan nila planong isagawa ang proyekto at magpatupad din ng kinakailangang engineering interventions.

“We have already experienced the varied impacts of climate change – severe flooding, landslides, drought – which we could no longer ignore.  These are the new normal, and to stay afloat with these new situations, we need to adapt to climate change by way of technologies, engineering interventions, even the architecture of our buildings and houses,” anang kalihim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply