Di kinaya ang isyung gustong magpabuntis sa kanya ang tiburciang si Aiza!

SPEECHLESS si Derek Ramsay sa isyung gustong magpabuntis sa kanya si Aiza Seguerra. Mas kinaya niyang sagutin ang tungkol sa kontrobersya sa kanila ni Angelica Panganiban kesa kay Aiza.

Hindi pabor si Derek na maging sperm donor para magka-anak si Aiza. Ito pahayag niya nang tanungin sa presscon ng bago niyang pelikula na A Secret Affair na showing sa October 24 kung saan kasama niya sina Anne Curtis at Andi Eigenmann.

Pero compliment para sa kanya na siya ang napili ni Aiza.

“Ang daming lalaki riyan at ako ang choice niya,” sey niya.

Itinanggi rin ni Derek ang pagkaka-link niya kay Jessy Mendiola. Nakita raw sila naglalakad sa Greenbelt.

“I remember Jessy na sabay kaming nag-umpisa. Little girl sa Panday together with her sister. First project ko yun pero never ko siyang nakatrabaho at never na nagka-eksena kahit sa Panday,” paliwanag niya.

Kahit si Jessy ay sumagot na rin sa isyung ito.

“I haven’t met Derek personally. Baka kamukha ko lang yung nakita nila,” sey niya.

Ayaw aminin ni Derek na may kapalit na si Angelica sa buhay niya. Basta happy raw siya ngayon.

Gusto niyang maging girlfriend ay non-showbiz.

Tsuk!

-0o0-

MULI na namang pinatunayan ng ABS-CBN na ito ay isang responsableng media organization na nagsusulong ng maga- gandang asal sa mga manonood matapos nitong makuha ang pinakamaraming bilang ng parangal sa parehong radio at television categories sa ginanap na 34th Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Nakakuha ng siyam na parangal sa TV ang Kapamilya Network kabilang ang Best Drama Series para sa advocacy series Budoy; Best Comedy Program para sa Toda Max; Best News Magazine Program para sa Patrol ng Pilipino episode na Monasteryo; Best Children and Youth Program para sa Wansapanataym; Best News Program para sa TV Patrol Weekend; at Best Station ID para sa Pinoy Summer Da Best Forever na inawit nina Sarah Geronimo at Gerald Ander -son.
Kinilala naman sa pamamagitan ng special citations ang Dahil sa Pag-ibig para sa Best Drama Series category; Failon Ngayon para sa Best News Magazine Program; at Matanglawin para sa Best Children’s Program.

Para naman sa mga kategorya sa radyo, siyam rin ang iginawad sa AM radio station ng ABS-CBN na DZMM. Panalo ang DZMM sa Best Radio News Program para sa Patrol Balita Alas Dose; Best News Commentary para sa Failon Nga- yon; Best Special Event Coverage para sa Baha sa Bulacan Coverage ng DZMM Teleradyo; Best News Program para sa Radyo Patrol; Best Public Service Program para sa Radyo Negosyo; at Best Business Commentary para sa Sikap Pi- noy. May special citations din ang Usapang Kapatid para sa Best Counseling Program category; Music and Memo- ries para sa Best Entertainment Program (Special Citation) at Todo Todo Walang Preno para sa Best Entertainment Program.

Samantala, nailuklok na sa CMMA Hall of Fame ang drama anthology ng Dos na Maalaala Mo Kaya para sa Best TV Drama program habang ang Dr. Love ng DZMM ay hall of famer na rin para sa Best Radio Counselling Program.

Nakatamo rin ng parangal ang ABS-CBN sa music categories. Panalo bilang Best Music Video ang music video na Piliin Mo ang Pilipinas, na inawit ni Angeline Quinto at Vincent Bueno para sa travel website ng ABS-CBN na Choose Philippines, habang ang Dahil Sa ’Yo ni Juris sa ilalim ng Star Records ang kinilala naman bilang Best Secular Song.

Maging ang head ng ABS-CBN Corporate Communications na si Bong Osorio ay nagdala rin ng tagumpay sa Kapamilya Network dahil ang column niyang COMMONNESS sa The Philippine Star ay wagi sa Best Business Column category.

Sa kabuuan, 22 parangal ang nauwi ng ABS-CBN. Siyam rito ay mula sa DZMM.

-0o0-

KER ni Vice Ganda sa isyung alitan nila ng kapwa niya komedyante na si Ate Gay. Ito’y may kinalaman sa diumano’y pagharang niya sa guesting nito sa It’s Showtime.

Paano nga naman siya haharangan ni Vice samantalang napanood pa naming guest ito sa Gandang Gabi Vice kasabay ni Governor Vilma Santos.

“Wala akong naaalalang isyu ko kay ate Gay o nagawa ko sa kanyang anything na negatibo. Wala akong natatandang nagawa ko sa kanyang offense. Ie-explain ko na lang ito kapag tapos na yung promo ng concert niya.

Pero kung gusto niya susuportahan ko yung concert niya. Pero hindi namin kailangang mag-away dahil hindi masarap ang may kaaway. Kung may isyu ka sa isang tao, pwede mo naman sabihin na hindi idinadaan sa Twitter at pinapalaki, kung totoong may isyu. Willing po akong sumuporta sa concert niya kung gusto niya.

Magiging masaya ako kung ma -pupuno niya yung venue at makamit niya rin yung mga pangarap niya. Dahil kung magiging matagumpay naman si Ate Gay wala namang mawawala sa akin, so bakit ko ipagdadamot yun? Wala po akong problema kay ate Gay.

Wala po akong isyu at hindi ako galit sa kanya,” deklara ni Vice nang tanungin sa presscon ng pelikula niyang This Guys In Love with You Mare na showing sa Oct. 10 kasama sina Toni Gonzaga at Luis Manzano.

Itinuturing ba niyang kaibigan si Ate Gay?

“Masyado po kasing malalim ang salitang friend e kasi wala naman po kaming pinagsamahan. Nagkasama kami sa isang pinagtatrabahuhan pero sandali lang. Nagtrabaho po siya sa Punchline pero natanggal siya. Tapos nagtrabaho rin siya sa Library for a time pero nawala rin siya. Hindi kami nagkakaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang isa’t-isa.

Ginuest ko siya sa Gandang Gabi Vice nung episode ni ate Vi (Vilma Santos).

Kaya nagtaka ako may mga isyu e ginuest ko nga siya sa Gandang Gabi Vice.

Tapos nalaman ko na lang na may concert pala siya,” sey pa niya.

Ibig pakahulugan ni Vice na ginagamit siya ngayon ni Ate Gay para pag-usapan dahil may concert pala ito.

‘Yun na ‘yun!

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply