‘Di masawatang bentahan ng droga sa Makati isinisi kay Gadapan

MARIING sinisi ni Senador Miriam Defensor Santiago kay dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director Carlos Gadapan ang dahilan kung bakit hindi masawata ang bentahan ng droga sa mga lugar sa Makati City na madalas puntahan ng mga kabataan.

Sinabi ni Santiago sa pagdinig ng Senado kahapon na nakatatakot na patuloy ang operasyon ng iligal na droga partikular na ang paggawa ng droga ng mga sindikato.

Maging sa mga malalaking subdivision umano ay mayroong mga gumagawa ng illegal drugs gayun din ang bentahan nito.

Kaugnay nito hindi pa rin matanggap ni Gadapan ang pagsibak sa kanya ng Malakanyang.

Ani Gadapan, nagtataka pa rin siya kung ano ang dahilan ng relieve order sa kanya bagama’t unti-unti na niyang nalilinawan ang nasa likod nito.

Iginiit ni Gadapan na wala siyang kaugnayan sa sinumang drug lord at sa katunayan ay pursigido siya sa kampanya kontra illegal drugs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply