Di pa panahon para palitan si Enrile – Honasan

IDINEPENSA ni Senador Gregorio “Gringgo” Honasan ang planong kudeta kontra kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Sen. Gringo Honasan, kung totoo na mayroong mga gustong palitan si Senate President Juan Ponce Enrile hindi pa napapanahon na magpalit ng liderato ang Senado.

Ipinaliwanag ni Honasan na naghahabol ng trabaho ang Senado dahil sa ilang buwan ding tinutukan ang impeachment trial ni ex-Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Honasan, palagi naman sinasabi ni Enrile na handa siyang iwan ang pwesto kapag mayroong senador na nagsabi na gusto na ng mayorya ng bagong lider.

Naniniwala naman si Senate Majority leader Senator Tito Sotto na nakabuti pa nga kay Sen. Enrile na naibunyag nito ang maitim na balak sa kanya dahil nakatulong pa ito upang lalong lumakas ang suporta sa kanya ng mga senador na naniniwala sa kanyang pamumuno.

Ayon pa kay Sotto, kahit may mga ulat na mayroong nagtatangka na patalsikin sa pwesto si Enrile ay hindi ito basta-basta mangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply