‘Di pa rin ipagpapalit ang Marikina

MARAMI sa aking mga kapitbahay ang lumipat na pagkatapos ng habagat.

Masyado silang nanlumo sa tatlong sunod-sunod na pagbaha sa loob ng tatlong araw.

Malamang marami rin sa mga tulad kong naninirahan sa tabing ilog ang umalis na at nilisan ang kanilang tinitirhan.

Ang good news ay karamihan sa kanila, sa Marikina pa rin lumipat – sa mas mataas na lugar nga lang tulad ng Marikina Heights, Concepcion Dos, Parang at Fortune.

Hindi dahil malapit lang sa kanilang tinatrabahuhan o
pinag-aaralan ng kanilang mga anak.

Yung mga dati kong kapitbahay ay sa Ortigas, Makati at Quezon City pumapasok so mas napalayo pa sila ngayon sa kanilang mga opisina.

Ano bang meron sa Marikina at ‘di ito kayang iwanan ng mga residente nito?

Kilala ang Marikina sa pagiging malinis, maayos at disiplinado.

At bagamat ‘di kami ligtas sa krimen tulad ng ibang siyudad sa Metro Manila, mataas ang aming crime solution efficiency rating at nananatili kaming “Best Police Station” sa Eastern Police Department.

Mabilis din kaming bumangon sa anomang trahedya. Sa tulong ng national government agencies, ibang local government units, media, general public, atbp. nakakayanan naming isaayos agad ang aming siyudad pagkatapos ng kalamidad.

Sa Marikina, para kang nasa siyudad at nasa probinsiya –sabay.

Maraming oportunidad para makapamuhay nang maayos ngunit mabagal ang takbo ng buhay rito. Halos magkakilala ang lahat ng tao.

Paano ba naman eh halos magkakamag-anak ang lahat ng tao dito. Lalo na yung mga taal at lehitimong Marikenyo na taga bayan at poblacion.

Napakadali pang lapitan ang aming government officials tulad nina Mayor Del De Guzman, Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, Rep. Miro Quimbo at Rep. Marcy Teodoro. Ganun din sa mga konsehal at kapitan.

Alam ng kahit sinong ordinaryong mamamayan na madali niyang makaharap, makausap at mailapit ang kanyang problema sa mga kinauukulan.

Dagdag pa riyan na ang Marikina ang may pinaka-experienced at pinaka-professional workforce sa city hall.

Hasang-hasa ang department heads, section heads, supervisors at staff nito sa good governance at efficient public
service.

Likas pa sa Marikenyo ang pagiging masinop at masipag kaya maraming umaasenso at yumayaman.

Paano ba naman, ‘di nagkulang sa recreational areas at playgrounds ang Marikina. Nariyan ang Marikina Riverpark, Sports Center, Bikeways, at iba pa.

Tanungin kita … kung ikaw ba ang nakatira sa ganitong siyudad … lilipat ka pa ba?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply