‘Dignified silence’ sa SC ipatutupad ni Sereno

DESEDIDO si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na ipatupad ang ‘dignified silence’ sa Korte Suprema.

Ito ay matapos iutos ang pagsasara ng Public Information Office (PIO) at Management Information Office (MIO).

Batay sa kautusan, mayroon na lang hanggang Oktubre 31 para lisin ang naturang mga tanggapan.

Ang PIO ng Korte Suprema ay nabuo noong panahon ni dating Chief Justice Hilario Davide, Jr.

Ayon kay Sereno, bahagi ito ng kanyang ipinatutupad na mga pagbabago, at nais umano niya ng “dignified silence” sa kataas-taasang hukuman.

Bukod sa PIO, masasagasaan din ng kautusan ng SC head ang MIO na isasara na rin sa susunod na buwan.

Una rito, tahasang sinabi ng punong mahistrado na hindi na niya pagbibigyan ang mga panayam ng media ngayong nagsimula na siya sa panunungkulan.

Sa kaniyang official statement sa pamamagitan ng SC PIO, sinabi nitong posibleng maapektuhan ang kanilang operational matters kung pagbibigyan ang mga kahilingan ng press para sa interview.

Iginiit din nitong hindi naman political branch of government ang hudikatura kaya iba ang sistemang kanilang ipinatutupad.

Pero ayon kay SC acting PIO chief Atty. Gleoresty Guerra, aalisin lamang ang mga tao sa kanilang tanggapan pero nasa kamay pa rin ni Sereno kung ire-reappoint sila o itatalaga sa ibang opisina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply