DILG Usec Puno iimbestigahan sa jueteng

MAGHAHAIN si Sen. Miriam Defensor-Santiago ng isang resolusyon upang imbestigahan si Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno sa isyu ng jueteng at iba pang malalaking sindikatong kriminal dahil siya ang may hawak sa Philippine National Police (PNP).

Sa panayam nitong Linggo, sinabi ni Santiago na pangunahing adhikain sa gagawing imbestigasyon kung pinayagan ba ng Administrative Code of the Philippines na hatiin ang kapangyarihan ng kalihim at ibinigay kay Puno ang power to control sa PNP.

“The purpose of any legislative inquiry is always to inquire in aid of legislation. In case of Undersecretary Puno, as chairman of Constitutional amendments, revision of codes and laws, if pwede ba o dapat ba ang isang undersecretary to have his own jurisdiction na hindi puwedeng pasukan ng secretary,” ayon kay Santiago.

Tinutukoy ni Santiago ang hinating kapangyarihan ng kalihim ng DILG na ibinigay kay Puno ang pagkontrol sa pulisya samantalang iniwan lamang kay yumaong Interior and Local Government Secretary Jesse Robledo ang pangangasiwa sa local government units (LGUs).

Ayon kay Santiago, sa ilalim ng Administrative Code of the Philippines, malawak ang kapangyarihan ng Pangulo sa buong burukrasya na may kontrol at superbisyon sa lahat ng ahensiya na pwedeng baguhin ang anumang desisyon ng miyembro ng Gabinete.

“Mas malawak ang kapangyarihan ng control over supervision. Ngayon ang presidente, hindi palaging nandyan, para tignan nya ang appointed Cabinet, para sila ang gumawa ng power and supervision over their respective jurisdiction,” aniya.

Kaya dahil dito, sinabi ni Santiago na mas malawak pa ang kapangyarihan ni Puno bilang undersecretary, kaysa kay Robredo bilang kalihim.

“Ngayon, katangi-tangi lamang ang DILG undersecretary na ito na the power of control and supervision ibinigay sa isang undersecretary over Philippine National Police, which i have stated that the power to control ay mas malawak kaysa power of supervision,” aniya.

“Now, the DILG secretary has the power of supervision, but he has no control. But it was delegated to his undersecretary kaya mas malakas at mas malawak ang kapangyarihan ng undersecretary kaysa secretary,” paliwanag ni Santiago.

Dahil dito, sinabi ni Santiago na iimbestigahan si Puno bilang may control sa PNP, kung ano ang nagawa nito sa pagsugpo ng jueteng at iba pang kriminalidad tulad illegal logging, illegal drugs at illegal smuggling ng armas at bala at iba pang uri ng pagpupuslit sa Aduana.

“Kung talagang matapang at marunong ang isang undersecreatary dito sa power nya over the police, tignan natin kung ano ang nagawa nya upang masugpo ang mga krimen na ito. “Gusto kong tignan ang records nya,” sabi ni Santiago.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply