DILG Usec. Puno sinungaling – Bishop Cruz

INAKUSAHAN ni retired Lingayen Archbishop Oscar Cruz na sinungaling si resigned Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno sa pagpapahayag na wala umano kilala ni isang jueteng lord.

Sinabi ni Cruz na ‘igagalang at tatanggapin’ na lamang nila ang naturang pahayag sa kabila ng kanilang kabatirang ito’y taliwas sa katotohanan.

Si Cruz ay dadalo sa imbestigasyon ng Senado ngayong araw at isa sa mga nakatakda niyang talakayin ay ang isyu ng jueteng.

Sa kabilang dako, ipinahayag naman ni PNP Bids and Awards Chief Emelito Sarmiento na walang kinalaman si  Puno sa pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng mga baril.

Sinabi ni Sarmiento na una na rin siyang tinanong ng yumaong DILG Sec. Jesse Robredo kung may iregularidad sa kanilang procurement at sinabi niyang wala naman.

‘Above board’ ,aniya, ang kanilang pagbili sa mga baril at hindi rin nagpatawag ng pormal na imbestigasyon ang kalihim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply