Dillinger nadagdag sa Smart-Gilas II

TATLO sa dating players ng nag kampeon na Smart-Gilas Pilipinas II sa katatapos na 34th William Jones Cup ang nabaklas para sa gaganaping 4th FIBA-Asia Championships (dating Stankovic Cup) sa Tokyo sa Sept. 14-22.

Hindi na maglalaro sina Mac Baracael ng Alaska, former San Beda College ace guard Garvo Lanete at Sol Mercado ng Meralco habang si Jared Dillinger ng Talk ‘N Text ang nadagdag sa lineup ng PHL team na maglalaro sa nasabing tournament kung saan ay qualifier ito para sa 2014 Spain World Cup.

Binanggit ni head coach Chot Reyes sa social network sina Jones Cup MVP LA Tenorio ng Ginebra, Gary Da­vid ng Global Port, Sonny Thoss ng Alaska, Ranidel de Ocampo at Larry Fonacier ng TNT, Gabe Norwood at Jeff Chan ng Rain or Shine, Enrico Villanueva ng Barako Bull, Fil-Am Matt Rosser at Jay-R Reyes ng Meralco na maglalaro sa PHL 5.

Samantala, nakiusap si President Benigno Aquino III sa PBA teams para magpahiram ng players para sa national team subalit hindi na umabot ang alok ng San Miguel Corporation na ipahiram sina Arwind Santos at Alex Cabagnot na mga manlalaro sa Petron Blaze.

Nagpasalamat na lang si Reyes sa SMC.

Top three ang puntirya ni Reyes sa Tokyo tournament upang makapag-uwi ng medalya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply