Dinukot na Italian priest patay sa kanser

NAKALIGTAS man sa pagkakadukot noong 2007 sa Mindanao, namatay naman si Italian missionary Giancarlo Bossi, na nanatili sa bansa sa loob ng 32 taon sanhi ng kanser nitong Linggo, Setyembre 23, sa Italy.

Si Bossi ay namatay nitong Linggo lamang ng umaga sa Humanitas clinic sa Rozzano sul Naviglio sa Milan, ayon sa  ulat ng Catholic news site Asia News.

Ayon pa sa ulat, nakikipaglaban ang 62-anyos na pari sa  lung cancer sa loob ng isang taon at ang kanyang kalusugan ay biglang humina, ayon pa sa AsiaNews report.

Ang misyunaryo ay tinagurian na “gentle giant” ng kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang athletic at stout stature. Bumalik ito sa Italy matapos dukutin sa Mindanao ng mga breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ipinanganak si Bossi sa Abbiategrasso sa Milan noong Pebrero 19, 1950.

Pumasok ito sa PIME sa Genoa noong 1973, at nakuha ang kanyang perpetual vow noong Pebrero 3, 1978 at na- ordained bilang pari noong Marso 18, 1978 ni Msgr. Aristide. Pirovano.

“Destined for the Philippines, he spent – with some short interludes in Italy – about 32 years in his adopted home,” nakasaad pa sa AsiaNews.

Si Bossi, na nananatili sa Pilipinas ng mahigit sa 30 taon,ay dinukot noong Hunyo 10, 2007. Matapos ang halos 40 araw, napalaya ito noong Hulyo 19  kasunod ng  apela ng kanyang kapwa pari na kahit si Pope Benedict XVI ay umapela rin sa mga kidnappers para ito ay mapalaya.

“They treated me well and I prayed for them,” pagsasalarawan nito sa kanyang mga kidnappers.

Noong Enero 2008, bumalik si Bossi sa Pilipinas at nais bumalik sa Payao sa Mindanao sa mismong lugar ng kanyang pagdukot pero hindi siya pinayagan ng mga  bishops.

Sa loob naman ng isang taon ay tumira si Bossi sa Parañaque City bago lumipat sa Western Mindoro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply