Disbarment case vs Reyes bro lawyer ikinasa

NAGHAIN ng disbarment case sa Korte Suprema ang anak ng pinaslang na si Doc Gerry Ortega na humihiling na matanggalan ng lisensya ang abogado ni dating Palawan Gov. Joel Reyes na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Doc.Ortega.

Iginiit ni Mika Ortega, anak ni Doc.Gerry sa inihaing dismarment case na lumabag si Atty. Hermie Aban sa Rule 138 ng Rules of Court at Code of Professional Responsibility.

Ang patuloy na pagkukubli o paglilihim ni Aban sa impormasyon ng kinaroroonan ng kanyang kliyente sa mga panahong humaharap siya sa Puerto Pincesa City RTC ay isa sa tinukoy sa complaint .

Dagdag pa, aniya, rito ang pagkakaroon ng warrant of arrest laban sa dating Palawan governor at kapatid na si Coron Palawan Mayor Mario Reyes.

Nanindigan ang pamilya Ortega na ang ginagawa ni Atty. Aban ay  maituturing na obstruction of justice.

Sinabi pa ng pamilya Ortega na malinaw anila mula sa mga nakalap na dokumento at passenger manifest ng Cebu Pacific na nagtungo sa Vietnam si Aban na hindi rin naman niya itinanggi.

Batay sa mga ulat at sinasabing kasama ni Aban ang magkapatid na Reyes na lumabas ng bansa noong Marso 18, 2012 sakay ng Cebu Pacific flight patungong Vietnam.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply