Django, Efren Bata abante sa susunod na round ng World Cup of Pool

PASOK sa Final 16 ng World Cup of Pool ang Philippine Team B na tandem nina Efren “The Magician” Reyes at Francisco “Django” Bustamante na ginaganap sa Robinson’s Mall, Manila.

Pinataob nina Bata Reyes at Django sina Lee Chenman at Kenny Kwok na pambato ng Hong Kong, 8-3.

Pasok na rin sa susunod na round ang mga pambato ng Amerika, Canada, Thailand at Germany.

Ang Pilipinas ang host ng naturang torneyo kaya naman dalawang team ang pambato ng bansa. Philippine Team A naman sina Lee Van “The Slayer” Corteza at Dennis “Robocop” Orcollo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply