DoE pinagpapaliwanag sa paglobo ng presyo ng LPG

PINAGPAPALIWANAG ng Malakanyang ang Department of Energy (DOE) kaugnay sa panibagong dagdag-presyo o paglobo ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) products.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, bagama’t nakatali ang kamay ng gobyerno sa presyuhan ng naturang produkto dahil sa Oil Deregulation Law, kailangan umanong mapaliwanagan nang husto ang publiko kaugnay sa totoong paggalaw ng bentahan sa world market.

“Again, deregulated po ‘yung industry. We will leave it up to the DOE to explain also the increase, kung ano po ‘yung nangyari doon sa increase ‘nung LPG—kung ano po ‘yung specifc na dahilan kung bakit po nagkaroon ng increase,” ayon kay Usec. Valte.

Nauna rito, P6.00 ang ipinataw ng ilang LPG dealers sa kada kilo ng produkto o kabuuang P66.00 na dagdag sa presyo ng bawat 11 kilong tangke.

Noong nakaraang linggo, una nang nagpaalala ang DOE na mararamdaman na sa buwan ng Setyembre ang bagong price adjustment dahil sa pagtaas ng presyo ng mga ito sa pandaigdigang pamilihan.

Sa naunang pahayag ni DOE Oil Industry Management Bureau director Zenaida Monsada, tinukoy ng opisyal ang tensyon sa mga bansa sa Middle East na isa sa mga dahilan ng price adjustment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply