DOH: Beso-beso, pakikipagkamay, iwasan

IWASAN muna ang pakikipagkamay at beso-beso upang makatiyak na hindi makakakuha ng sakit na coronavirus.

Ito ang payo ni Department of Health (DOH) spokesman at chief epidemiologist Dr. Eric Tayag sa mga dadalo ng Hajj pilgrimage sa Mecca sa Oktubre.

Bagamat wala pa naman aniyang naitalang panibagong kaso matapos ang naiulat na isang pasyente ang nasawi dahil sa naysaying virus sa Saudi Arabia habang kritikal naman ang isang Qatari national sa London.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Tayag na hindi pa kailangan magdeklara ng travel restriction sa Middle East laban sa naturang sakit.

Gayunman, bukod sa mahigpit na monitoring ng ahensya sa mga paliparan at pantalan ay naglagay na rin ng mga isolation rooms sa mga ospital ng gobyerno bilang bahagi ng precautionary measures.

Ugaliin din, aniyang, magtakip ng bibig at ilog at laging maghugas ng kamay upang makaiwas sa bagong strain na coronavirus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply