DOH-NCR naka-code blue alert pa rin

BUNSOD nang tumataas na bilang ng mga kaso ng leptospirosis at dengue na naitatala sa National Capital Region (NCR) ay nananatili pa ring nasa code blue alert ang Department of Health (DOH)-NCR.

Ayon kay DOH-NCR Regional Director Eduardo Janairo, kinakailangan pa rin nilang ipairal ang code blue alert dahil nasa peak season pa rin ang dengue.

Marami pa rin umanong naitatalang kaso ng leptospirosis sa NCR dahil sa naranasang mga pagbaha dulot ng monsoon rains.

Ani Janairo, sa ilalim ng code blue alert status ay 24-hour na naka-duty ang mga medical staff at mayroon ding nakaantabay na mga gamot para sa mga pasyente ng dengue at leptospirosis.

Mayroon rin umanong express lane para sa mga pasyente upang mabilis na matugunan ang kanilang pangangailangang medikal.

Sa ipinalabas na datos ng DOH, nasa 3,410 na ang kaso ng leptospirosis habang nasa 87,649 naman na ang biktima ng dengue sa buong bansa mula Enero hanggang Agosto 25, 2012 lamang.

Nabatid na sa NCR naitala ang pinakamaraming kaso ng leptospirosis na umabot sa 938 kaso, na sinundan ng Region 10 na may 925 kaso at Region 6 na may 474 cases.

Sa kabuuan ay 149 na ang nasawi sa leptospirosis.

NAkapagtala din sa NCR ng pinakamaraming bilang ng dengue cases na umabot sa 17,618 kaso, sumunod ang Region III (13,518 kaso) at Region IV-A (12,877 kaso).

Sa kabuuan ay mayroon nang 522 dengue deaths sa buong bansa at ang 86 dito ay naitala rin sa NCR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply