DOH: Pinoy na dadalo sa Hajj dapat magpabakuna

KASUNOD ng ulat na dalawang tao na nanggaling sa Saudi Arabia ang nasawi dahil sa SARS-like disease na coronavirus, pinapayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga Pinoy na Muslim na dadalo sa gaganaping Hajj pilgrimage sa Mecca sa susunod na buwan na magpabakuna muna bago tumulak sa naturang bansa.

“Maraming Filipino ang nagpupunta sa Hajj at yon ang pinaka-challenge sa atin,” pahayag pa ni Tayag. “Kaya ina-advise ang lahat na magpabakuna bago pumunta doon. Ang vaccination ay requirement din ng Saudi.”

Nauna rito, inalerto ng World Health Organization (WHO) ang member countries nito matapos na tatlong indibidwal ang tinamaan ng sakit, kung saan dalawa ang namatay. Ang mga biktima ay sinasabing tumira o hindi kaya’y bumiyahe sa Saudi.

Naniniwala ang mga eksperto na ang novel infection ay sanhi ng coronavirus, na kahalintulad ng virus na sanhi ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Gayunman, hindi tulad ng SARS, ang coronavirus ay nagiging sanhi ng kidney failure.

Sa ngayon, ani Tayag wala pa silang data hinggil sa sakit dahil bago pa lang ito at tatlo pa lang ang kasong naitatala.

Gayunman, binabantayan na aniya ito ng WHO, at dahil bago ang sakit ay minabuti ng WHO na alertuhin ang mga bansa.

Tiniyak naman ni Tayag na wala pang Pinoy na apektado ng sakit.

Bagamat siniguro na umano ng WHO na walang risk para sa international spread, ay nagpapatupad na rin sila ng mga kaukulang pamamaraan upang maiwasan ang posibleng pagpasok sa bansa ng sakit, tulad na rin aniya ng ginawa nila noong magkaroon ng SARS outbreak.

“Na-maintain natin ang mga SARS room sa ating mga hospital. May surveillance system na tayo. Sa ngayon, ang sabi ng WHO, there is no risk for international spread,” aniya pa

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply