DOJ magpapalabas ng lookout bulletin vs Coronas

MAGLALABAS ang Department of Justice (DOJ) ng lookout bulletin o lookout order laban kay dating Chief Justice Renato Corona at ilang kapamilya nito.

Nabatid na makikipagpulong si Justice Secretary Leila de Lima kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commssioner Kim Henares upang pag-usapan ang planong paglabas ng nasabing kautusan.

Ang lookout out order umano ay katumbas din ng watchlist order.

Kasama ni Corona sa listahan ay sina Carla Beatriz Corona-Castillo at asawa nitong si Constantino Castillo III.

Ayon pa sa kalihim, layunin nitong mabantayan sakaling lumabas ng bansa ang mga Corona.

Si Corona at pamilya nito ay sinampahan ng mahigit P150 million tax evasion case ng BIR.

Nilinaw din ni De Lima na hindi nila ginigipit ang mga Corona kundi ginagawa lamang aniya nila ang kanilang trabaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply