Doktor, 2 contractor kinasuhan ng tax evasion

KINASUHAN ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ng tax evasion ang isang doktor at dalawang negosyante na contractor ng Pagcor.

Ayon kay Henares, kabilang sa kanilang mga kinasuhan ay sina Dr. Noel Lacsamana na may tatlong clinic sa San Fernando, Pampanga; Pagcor contractor Yolanda Macabulos ng Lurings barbecue house franchise sa Angeles City, Pampanga at Maila Baluyot Laxamana ng Fracojan catering sevices sa Angeles City, Pampanga.

Sinabi ni Henares na nasa P7.08 million ang total tax liability ni Lacsamana dahil sa kabiguan nitong mag-supply ng tamang impormasyon sa kanyang 2007 at 2008 income tax return at vat return mula 2007 hanggang 2011.

Samantalang P45.31 million naman ang tax liability ni Macabulos dahil sa mahigit 30 percent na hindi pagdeklara nito mula sa income payments sa Pagcor mula 2009 hanggang 2011.

Si Laxamana naman ay may P6.84 million total tax liability na hindi nagsumite ng 2010 income at percntage tax return mula sa income payments nito sa Pagcor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply