Donasyon para sa “Pondo ng Pinoy”, bumaba- Simbahan

BUMABA ngayon ang donasyon para sa Catholic Church–based charity program.

Ayon sa mga opisyal ng Simbahan, ang Pondo ng Pinoy (PnP), isang  programa ng Archdiocese of Manila, para sa mahihirap ay nakararaans ngayong taon  ng mababang donasyon.

“We don’t know the factor. It might be due to the recent calamities or maybe some people thought the program has ended,” ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

Ang nasabing programa na sinimulan ni retired Gaudencio Cardinal Rosales noong 2004 ay nakalikom ng pondo na P40.5 milyon nito lamang Hunyo 30, na mas mababa kumpara noong 2011 na may P45 milyon.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang Pondo ng Pinoy’s 8th anniversary celebration sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavillion sa Maynila.

Sinabi naman ni Fr. Edwin Mercado, PnP executive director na simula ng itinatag ang nasabing programa upang makatulong sa livelihood prejects para sa mga mahihirap ay nakapagprodyus na ito ng P163, 853, 738,

Libu-libong proyekto na rin ang nasuportahan  ay nakatulong  para sa pagpapakain sa mga bata, edukaasyon at iba pa.

Hindi lamang mga mahihirap sa Metro Manila ang natulongan ng nasabing programa kundi ang buong bansa.

“It’s the molding of the character of the people. It means that the program aims at the heart of every individual… for us to help each other,” ayon pa kay Pabillo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply