Door-to-door delivery service, inilunsad ng PPC

HIGIT na mabilis at madali nang makapag-papadala ng package at pera ang mga kababayan Overseas Filipino Workers (OFWs) maging sa mga nagtatrabaho sa Saudi Arabia sa kanilang pamilya sa Pilipinas kaugnay sa bagong delivery service ng Philippine Postal Corporation.

Inilunsad kamakailan ng Philippine Postal Corporation (PPC) ang door-to-door delivery mula Saudi at UAE.

Ayon kay Philippine Postmaster-General Maria Josefina Dela Cruz,  isinusulong ng lokal na mga tanggapan ang delivery service sa bawat sulok ng Pilipinas para  mapagsilbihan ang mga kaanak ng mga manggagawang nasa UAE at Saudi na may malaking bilang  ng mga OFW na nagtatrabaho doon.

Dahil dito, lalong mapabibilis ang pagpapadala ng mga OFW ng kanilang pera at package na sisimulan sa UAE at Saudi na susundan naman sa iba pang lugar tulad ng Riyahd at Dubai.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply