DOTC Sec. Jimenez, JBC member kinumpirma ng CA

KINUMPRIMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim nomination ni Ramon R. Jimenez bilang kalihim ng Department of Tourism nang walang pagtutol sa sinumang miyembro ng lupon.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, walang tumutol sa kumpirmasyon ni Jimenez, bagkus papuri at hamon na palakasin ang turismo ng bansa.

Pinalusot din ng CA ang re-appointment naman ni Aurora Santiago-Lagman, bilang miyembro na kumakatawan sa pribadong sektor sa Judicial and Bar Council (JBC).

Tulad ni Jimenez, walang tumutol sa kumpirmasyon ni Lagman kundi paalala mula kay Majority Floor Leader Rep. Rodolfo Antonino na palagi nitong gamitin ang lupon sa check and balance sa mga hihirangin ng JBC alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply