DPWH nagpaalala sa road reblocking ngayong weekend

MULING pinaalalahanan ng Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) ang mga motorista kaugnay sa mga itinakdang ‘road reblocking project’ ngayong weekend.

Sinabi ng DPWH-NCR na sinimulan kagabi ang reblocking at tatagal ito hanggang alas-4:00 ng umaga sa Lunes.

Kasama sa mga apektadong lugar ang Claro M. Recto sa Maynila sa pagitan ng Masangkay at Antonio Rivera; C2 sa Tondo sa pagitan ng Imelda at Velasquez; Road 10 mula sa Shell Station patungo sa C2 sa Navotas; EDSA north bound sa pagitan ng Quezon Avenue at North Avenue;
EDSA Mandaluyong malapit sa Poveda at Rizal Ave. extension sa Caloocan south bound.

Samantala, patuloy na sinusuportahan ng DPWH ang Anti-Epal Bill dahil sa pagdagsa ng mga billboard kung saan nakabalandra ang mukha ng mga politiko.

Ayon kay Public Works and Highway Secretary Rogelio Singson, nanawagan siya sa mga politiko na tanggalin ang kanilang mga billboard.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Singson na umaarangkada na ang kanilang Metro Manila Flood Control Project.

Sa kabilang dako, isinusulong ngayon ng DPWH ang proyektong “water impounding” bilang paghahanda sa mga posibleng pagbaha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply