‘Dream Team’ sa Cavite, inendorso ni Sen. Bong

PORMAL na inendorso ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., ang tinaguriang “Dream Team” ng lalawigan ng Cavite sa katauhan nina Gov. Jonvick Remulla at anak nitong si Jolo Revilla na tatakbong bise gobernador.

Sa kanyang talumpati sa harap ng libu-libong miyembro ng Partido Magdalo at Lakas-CMD Party na ginanap sa Island Cove and Leisure Park sa Kawit, Cavite, sinabi ni Revilla hindi dapat magpatalo ang tambalang Remulla-Revilla sa pasaring ng kalaban.

“Ito ang dream team sa lalawigan ng Cavite. Kaya kung sakaling makaranas kayo ng pangungutya at paninira sa mga kalabang partido, mas makakabuti na hayaan na lamang ito dahil tulad sa pelikula ang bida kahit na anong bugbog ang abutin sa kalaban,  sa bandang huli sila pa rin ang bida at sila pa rin ang mananalo,” ayon kay Revilla.

Nitong Martes, pormal na inilunsad sa Cavite ang pagsasanib ng Partido Magdalo ni Remulla at Lakas-CMD ng nakatatandang Revilla bilang hudyat sa pagbabago ng kalakalang pulitikal sa lalawigan.

“Naganap na ang matagal na pinapangarap ng mga Caviteño na magsanib ang Lakas at Partido Magdalo para sa kabutihan ng mamamayan ng lalawigan,” ayon kay Revilla.

“Both Jolo and Jonvic had already a good track record and ambitions, this team will not back down, this team will always fight, this team will be leader and this team will win. Eto ang dream team ng lalawigan ng cavite” pagtatapos ng talumpati ni Revilla.

Nakita din sa proclamation rally sina Sen. Manny Villar, dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, Sen. Antonio Trillanes IV, at Sen. Gregorio Honasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply