Driver na holdaper tigbak sa parak

NASAWI ang isang tsuper ng kuliglig nang makipagbarilan sa Manila Police District (MPD) matapos na mangholdap sa isang estudyante sa Tondo, Maynila kagabi.

Inilarawan ang suspek na may edad sa pagitan ng 25-30 anyos, may taas 5’4 hanggang 5’6, nakakulay berdeng T-shirt, maong short pants, miyembro ng commando gang at tadtad ng tattoo sa buong katawan.

Ayon kay SPO2 Glenzor Vallejo ng MPD Homicide Section, alas-11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Masangkay at Benavidez sts.,Tondo, Maynila.

Sa pahayag ng biktimang si Zhane, 25, sumakay siya sa kuliglig ng suspek subalit pagsapit sa nasabing lugar ay nagdeklara ng holdap at puwersahang kinuha ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng cash, Balck Berry phone at mga personal na gamit.

Nang makuha ng suspek ang kagamitan ng biktima ay puwershan itong pinababa subalit habang naglalakad ay nakasalubong ng biktima ang mga tauhan ni Supt. Ernesto Tendero  Jr., na  nagpapatrulya at isinumbong ang ginawang panghoholdap ng suspek.

Itinuro ng biktima ang lugar kung saan dumaan ang suspek at nang makita ay sinita pero sa halip na sumuko ay nagpaputok ng baril ang suspek dahilan para barilin din ito ng mga pulis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply