Driver ng ambulansya todas sa bangga

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang driver ng isang ambulansiya matapos mabangga ang minamaneho sa puno ng niyog sa Maasim, Sarangani province.

Kinilala ang biktima na si Crispulo dela Torre, ng taga-Poblacion, Maasim.

Nabatid na galing si Dela Torre sa GenSan kagabi makaraang maghatid ng pasyente nang makasalubong ang isang aso dahilan para mawalan ng kontrol at mabangga sa puno na kanyang ikinamatay.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply