Driver ng motorsiklo nakasagasa, tigok

NAMATAY ang isang driver ng motorsiklo nang makabangga ng 18 anyos na dalaga na patawid sa kalsada sa bayan ng Malungon, ayon sa ulat ng pulisya ngayon sa lalawigan ng Sarangani.

Ang biktima ay kinilalang si Reylando Delacuesta, 25-anyos, binata, residente ng Purok Katipunan, barangay Poblacion, Malungon, Sarangani Provine habang nasa kritikal naman ngayon ang kanyang backrider na kinilalang si Darwin Pulmones, 33-anyos, residente rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang dalawa sa motorsiklo subalit pagdating sa Sitio Talangtay barangay Poblacion nang biglang tumawid ang biktimang si Lyza Dugaduga, residente ng barangay Lutay sa nasabing bayan.

Dahil sa bilis ng takbo ng motor ay tumilapon ang mga sakay nito at dinala sa General Santos City Hospital.

Nilapatan ng lunas ang mga biktima sa naturang ospital subalit binawian ng buhay ang driver dahil sa pagkakabagok sa kanyang ulo sa semento dahilan ng kanyang pagkamatay. Dinala din sa pagamutan ang dalaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply