Drug den sa Iloilo City sinalakay ng PDEA, may-ari arestado

ARESTADO ang may-ari habang isang tulak naman ang sugatan matapos salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Iloilo City.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. nadiskubre ang drug den matapos umanong pumalag ang drug pusher na si Alexander Bayate at tangkang agawan umano ng baril ang isang tauhan ni PDEA Regional Office 6 Director Edwin Layese habang isinasagawa ang buy-bust operation noong Setyembre 19, sa Duron St., Zone 2 , Brgy. Bakhaw , Mandurriao , Iloilo City.

Dahil dito, nabaril umano ng isang operatiba si Bayate kung kaya mabilis din itong naisugod sa West Visayas State University hospital kung saan siya nilapatan ng lunas dahil sa tinamong isang tama ng bala sa likod.

Batay sa ulat, nagsasagawa noon ng buy-bust ang mga operatiba laban sa may ari ng drug den na si Jerry Fernandez , 54 anyos, hanggang sa madtnan umano ni Bayate ang eksena kung kaya inagawan nito ng baril ang isang agent .

Bukod sa pagkakadiskubre sa drug den, nahulihan pa si Fernandez ng karagdagang 2 sachet ng shabu, apat na sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at sari-saring drug paraphernalias .

Dahil dito si Fernandez ay nahaharap sa patong-patong na kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 6 (Maintenance of Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Paraphernalia), Article II ng Republic Act 9165, habang si Bayate naman ay kakasuhan ng paglabag sa Section 7 (Visiting a Den).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply