Loob ng drugstore sinuyod ng jeep, 6 dinala sa ospital

SINUYOD ng isang pampasaheriong jeep ang loob ng Mercury Drugstore sa Taft Avenue, Maynila matapos itong mawalan ng preno kagabi (Setyembre 11).

Ayon kay SPO4 Edison Bertoldo ng Manila Traffic Bureau, kanila munang ii-impound ang jeep na minamaneho ni Bersom Quinto habang under investigation pa ang insidente.

Sa pahayag ng driver, iniwasan nito ang isang bus nang bigla siyang mawalan ng preno at minabuting salpukin na lamang ang drug store sa northbound lane ng Taft Avenue sa kanto ng Padre Faura para walang masagasaang pedestrian.

Dahil dito, nawasak ang glass door ng drugstore at nagkalat ang mga paninda sa may gitnang estante.

Masuwerte namang walang customer at staff na nadamay sa insidente maliban sa anim na pasahero na isinugod sa ospital para matiyak na walang tinamong bali sa insidente.

Nakatakda namang kasuhan ang driver ng reckless imprudence resulting in damage to property at driving without license.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply