DSWD volunteer hinoldap na, pinatay pa

PATAY ang isang volunteer Department of Social Welfare ang Development matapos holdapin at pagsasaksakin ng dalawang lalaki sa Navotas.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rosavilla Dipon, 53 ng Phase 1-B, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Nadakip naman si alyas Aga habang nakatakas ang kasamang si Badiong Ocampo, kapwa nasa hustong gulang at nang nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 Linggo ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa Alumahan st., NBBS nang holdapin ng mga suspek.

Hindi agad ibinigay ng biktima ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone na naging dahilan upang pagsasaksakin ng mga suspek bago tumakas dala ang bag.

Nadaanan ang biktima ng isang tricycle driver na naging dahilan upang dalhin sa TMC.

Nakatanggap naman ng tawag ang mga barangay tanod na nakitang papunta sa Bangus st., NBBS si Aga sakay ng pedicab na naging dahilan upang maglabasan.

Nang makita ng mga tanod ang sinasakyang pedicab ni Aga, pinara at dinakip ang suspek. Narekober sa suspek ang cellphone ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply