DTI bantay-sarado ang toxic toys sa Divisoria

BANTAY sarado at hindi palulusutin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga naglipanang nakalalasong laruan sa Divisoria, Maynila.

Ayon kay Trade Usec. Zeny Maglaya, magsasagawa sila ng malawakang pagsusuri sa mga produktong ibinebenta sa Divisoria kasama ang Department of Health (DOH).

Nais nilang matukoy kung anu-anong mga laruan ang nagtataglay ng matataas na toxic chemicals.

Sinabi pa ni Maglaya na inaasahan naman na ang ganitong eksena tuwing pumapasok ang “Ber” months kaya’t dapat ding maging handa at mapanuri ang publiko sa kanilang mga binibili.

Gayunman, nilinaw ni Maglaya na nananatiling nagmamatyag ang kanilang hanay para tiyaking ligtas at dumaan ang mga ito sa product standard.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply