E-Clearance ilulunsad ng NBI sa susunod na linggo

MAS mapadadali na ang proseso ng pag-aaplay ng NBI clearance sa pamamagitan ng internet dahil sa susunod na linggo ilulunsad na ng National Bureau of Investigation ang Electronic Clearance (E-Clearance).

Ang E-Clearance ay ang bagong sistema na maaaring gamitin ng mga may nais kumuha ng NBI Clearance 24/7 sa pamamagitan ng computer at internet.

Sinabi ngayon ni Atty. Reynaldo Esmeralda na magkakaroon din ng eksklusibong linya para sa mga aplikante na nag-apply on line, sa mga clearance center.

Ito ay dahil kailangan ding magpakita ng personal ang kukuha ng NBI Clearance para sa fingerprinting, biometrics, at pagkuha ng litrato.

Ayon pa kay Esmeralda, kailangan lang magrehistro online sa http://nbi-online.com/ at ibigay ang e-mail address kung saan ipapadala ang isang reference number na gagamitin sa transaksyon at pagbayad. Kopyahin ang Confirmation Code kapag nabayaran sa pamamagitan ng GCash at galing sa NBI. Ipa-print ang kopya kasama ang QR Code at dalhin ito sa Clearance Centers kasama ang isang valid government issued na identification card, para sa kaukulang biometrics at image capture.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply